Monday, November 3, 2008

hmmm.. tanda ko na pala..

ang bilis ng oras.. parang dati lang 1st yearcollege pa lang ako at ngayon 3rd year na... Parang joke lang ang lahat.. I just want to reminisce and emote.. Nung nageenroll ako sa PUP, npakatahimik ko, sabi nga ng iba di makabasag-pinggan.. akalain mong ngayon ang ingay ingay ko.. lot of things changed... Yung mga una kong naging kaibigan.. i thought they will be my super close friends until the end, pero un nga.. nag-iiba tlga lhat ng bagay, which for me naging mganada rin at least nlaman nmin kung kanino kami mas fit to be with... Tapos parang dati mga inosente pa kami lalo na sa paghawak ng kung anu-anong mga bagay... camera? Tripod? Script? Literatures? aba'y tlaga nman nasa sistema na namin yan.. ang galing nga eh sinung makapagsasabing 3rd year na ako ngayon... dti di ko pa alam pagkakaiba ng mga bagay bagay.. Di pa rin ako nakakapunta nun sa mga malalayo... ngayon di na ako napapagalitan pag umuuwi ako ng sobrang gabi dahil sa mga school papers, productions at kung anu-ano pa o kaya nman pag nangagaling ako sa malalayong bahay. E bahay ko na nga ung bahay ng mga classmates ko eh, kulang na lang dalhin ko gamit ko sa kanila... Masay maging college.. masaya ang buhay lalo na kung marunong kang makisabay sa daloy. Yung daloy na sinasabi ko eh malayong malayo sa peer pressure.. Ang sinasabi kong daloy eh ung nasa tama naman. Natutunan kong ayos lang pumunta ng SM at maglagalag hangga't alam mo sa sarili mo na sa kabila ng paglalakwatsa mo eh may saya sa sarili mo na kaugnay sa pag-aaral. Korni ba? well, yan lang nman ang natutunan ko sa mga kaibigan ko ngayon haha... Kahit gano kami kaingay, khit minsan wala na sa budget nmin ang gastos meron sa sarili namin na kasiyahan kasi alam naming reward lang ang mga yon sa hirap at success na nakukuha namin sa pag-aaral namin. Nice one....

Masaya... pero syempre may lungkot pa rin akong nadarama... parang ganun ba talaga pag college ka.... minsan may mga pagkakataong nagiging individualistic ang isang tao.. well, di ko siguro maaalis yun.. each one of us has unique perspective in life.. Minsan talaga mahirap makahanap ng taong complement ang characteristics ninyo.. mahirap nman na pakisamahan ang isang tao hindi mo ma-gets kung anong gusto.

Sa loob ng tatlong taon kong pag-aaral sa Kolehiyo ng Komunikasyon sa PUP... masasabi kong marami na akong natutunan.. tipong kung gano karami natutunan ko sa loob ng apat na sulok ng kwarto namin ganun din karami yung natutunan ko sa bawat labas namin sa room.. Sa productions, recordings, tapings.. hehe.. Grabe masaya.. masarap nakaka-overwhelm.... Pero meron pa akong gustong matutunan mas marami pa kesa sa mga naranasan na naming magkakaklase.. mas higit pa sana kahit 1 taon na lang at magpapaalam na kami sa isa't isa.

Sana sa thesis writing nmin makapasa kaming lahat.. hehe.. Goodluck sa ating lahat. BBrC3-3

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home